Pages

Twitter

Follow rickyluces on Twitter

Saturday, June 04, 2011

Stars nagkaisa para ikampanya ang Puerto Prinsesa Underground River

Mas lalong umiigting ang kampanya para maboto ang Puerto Prinsesa Underground River bilang isa sa New Seven Wonders of Nature.
Sa unang pagkakataon, ipinarinig ng singer-composer na si Noel Cabangon ang nilikha niyang theme song para sa longest subterranean river sa mundo.
Ikinagulat naman ng lahat ang launch ng video campaign tampok si PNoy.
Sabay ito sa pagbunyag ng iba pang nakakamanghang anyo ng kuweba kabilang ang bagong tuklas na 20-million-year-old fossil ng isang dugong.
      
Sa hanay ng official 28 finalists, number 11 ang Puerto Prinsesa Underground River.
Apela ng mga nagtataguyod sa Puerto Prinsesa, dagdagan pa ang boto para matiyak ang pasok nito sa magic 7 circle.
Sa November 10, 2011 ang deadline.
“Kahit number one or number seven tayo basta one of the Seven Wonders iyan,” sabi ni Puerto Prinsesa Mayor Edward Hagedorn.
Kabilang din sina Piolo Pascual, Christian Bautista at iba pang ABS-CBN stars sa sumusuporta sa  kampanya.
Gayundin ang Miss Philippines-Earth beauty pageant at OPM na magtatanghal ng "Tunog Wunder Ground" concert sa Quezon City Circle sa Linggo.
Sanib-puwersa naman sina ABS-CBN Foundation President Gina Lopez, Cannes Filmfest best director Brillante Mendoza at iba pang Pinoy indie directors sa TV-movie project kontra sa pagmimina sa Palawan.
Inspirasyon nila ang enviromentalist na si Dr. Gerry Ortega
“There are protected forests for protected place like Palawan na dapat talaga walang mining. Napaka-alarming kailangan talaga may gawin ka. Sobrang manhid mo na lang bilang mamamayan kung hindi mo nararamdaman ang mga nangyayari,” sabi ni Mendoza.

No comments:

Post a Comment